Kwentong Tri Series #3 | Celia de Jesus

Share your #KwentongTriSeries! Are you an Aquaman? a Duaman? or a Triman? Whether you finished just one or did all three, we want to hear YOUR story. Tell us your motivation for joining. Tell us your why. Email your story at [email protected]. Don’t forget to attach pictures as well! #KwentongAquaman #KwentongDuaman #KwentongTriman.

“Thank you sa pagiging strict, Ma, palagi akong nag-iingat kahit mabagal. Salamat Pa at Lolo, dahil sa inyo ang bawat balanse ko.”

Celia de Jesus shares her Duaman Duathlon journey and how she used her childhood experiences and advice from her parents to conquer world of run-bike-run.


5k run-20k bike-2.5k run | #YourDuathlonRace

Nung bata ako, binilan ako ng nanay at tatay ko ng bike na may 3 gulong na may angkasan sa likod. Nung nalakihan ko na sya, dinadala kami ng tatay ko sa Circle pag Linggo para mag bike nung may balancer, minsan yung may sidecar. Lolo ko ang nagturo sakin mag bike ng 2 gulong. Hinahawakan nya ang likod ng upuan ng bike ng mga kuya at pinsan ko hanggang sa matuto akong magbalanse. Napaka-vivid ng memory na yun sakin hanggang ngayon. Pakiramdam mo, kaya mo na ang mundo. Sa ilang attempts na bumili ng bike, di napayag si Ma kasi magiging prone raw sa accident. For a time, nawala na sya sa radar ko.

Last May, I joined PruRide 2023 at Clark. Sabi raw, any bike at hindi timed, just enjoy the ride. So sumabak ang aking foldy (takas na pagbili) sa 35k course na 3.5 hours ko binagtas. Kawawa yung 7 gears sa hills and false flats of Clark. Pero dabest ang feeling sa 4k na lusong sa pader, para kang nalipad, sarap ng hangin! Mula nun, sumagi sa isip ko sumali sa duathlon. Merong sprint distance yung TriFactor (lakas ng loob). Since bawal ang foldy, I shifted to gravel bike (takas ulit ang pagbili). Yung 7 gears ay naging 9, so mukhang may pag-asa sa mga ahon. So yung 2.5k run-25k bike-5k run, mga 3 hrs or so ko natapos. Nakakapagod pala tumakbo ulit after nung run and bike. Pero feeling accomplished pa rin na natapos at na-enjoy pa rin ang 4k lusong.

The 2nd duathlon was 5k run-20k bike-2.5k run (Duaman Duathlon full distance, lakas ng loob ulit). I finished it in 2.5 hrs. Bumilis naman nang kaunti, though relatively mabagal pa rin. Hindi ko alam kung ako ang may problema, yung bike o yung course. But just the same, ansarap ng lusong sa Fontana at Sun Valley. Siempre may katumbas na dusa yun, pero natapos pa rin.

I registered to 2 more duathlons in Aug and Sep. Siguro, kakayanin ko na mag-2 hrs, hehe. Pero basta, enjoy the ride! Magkikita-kita rin naman tayo sa finish line (minus accidents). Thank you sa pagiging strict, Ma, palagi akong nag-iingat kahit mabagal. Salamat Pa at Lolo, dahil sa inyo ang bawat balanse ko.

SBR.ph Team

A triathlete making a comeback and a true blue Scorpio. That sums it up quite nicely :)

Leave a Reply

Back to top button