Kwentong Tri Series #5 | Alkyl Orbina

Share your #KwentongTriSeries! Are you an Aquaman? a Duaman? or a Triman? Whether you finished just one or did all three, we want to hear YOUR story. Tell us your motivation for joining. Tell us your why. Email your story at [email protected]. Don’t forget to attach pictures as well! #KwentongAquaman #KwentongDuaman #KwentongTriman.

Alkyl Orbina’s remarkable journey from running to triathlon serves as a testament to surpassing obstacles. Despite grappling with asthma, she dabbled in marathons and joined her first aquathlon in 2017, which happened to be the Aquaman Aquathlon. This year, her aspirations transformed into reality as Alkyl conquered SBR.ph’s Tri Series, completing the Trifecta and achieving her dream of becoming a triathlete.


Hello SBR,

Just want to share my kwento heheh

I don’t know where to start kasi I still cannot believe na eto na, natupad ko na yung pangarap ko.

I started na magkaroon ng interest una sa running wayback 2010 when I was joining Pocari Sweat then pupunta kami sa mga events such as marathons/fun runs. At first di ko alam na makakahiligan ko yun kasi I have an asthma so parang ang hirap magtatakbo. As years went by, I joined my first fun run until nag progress and had my first ultramarathon and sunod sunod na. Until such time na sobrang bilib talaga ako lalo pag nakikita yung mga posts about Ironman, Triathlons mga ganon. I told to my self na “gusto ko rin”, na I want to be like them. Gusto ko rin sumali sa mga Triathlon na yan kasi ibang klase nakaka proud kasi yung mga finishers dahil hindi biro yung mag sswim ka then mag bi-bike then tatakbo.

Noong 2016, I had joined my first Aquathlon, sa Ultra pa yon ginanap. Di ako marunong mag swim, takot akong malunod.. My aunt encouraged me na mag swimming lesson. Natapos ko yung lesson pero di parin ako marunong mag swim pag nasa malalim na. Then 2017, eto na.. na kilala ko na ang Swimbikerun and nag join ako sa Aquaman 2017, sempre feeling proud kasi naka join ako ulit sa ganitong event. Still, di parin ako marunong lumangoy pag lampas tao na yung tubig. Eto na rin ung year na panay ang sana all ko, panay ang shared post ko about triathlons kasi gusto ko nga. That time kasi wala pa kong kakayahan na bumili ng bike e. (yun nalang kasi yung kulang. Mejo marunong naman ako lumangoy saka tumatakbo rin). Sabi ko sa sarili ko, one day.. ako naman ang mag sshare.

Until eto na, year 2022, SBR started posting about Tri Series. Since wala pang details, nag wait ako then di ko natiis, nag tanong nako hahah. Jan 2023 sabi nila mag oopen na ang registration and nag abang talaga ako. Feb 2023, nag start na rin ako mag tanong sa page about sa kung gano kalalim ang pool, anong kelangan sa Duaman etc.. di ko na talaga mahide yung emotions ko sa sobrang tuwa kasi excited talaga ako. Thank God na rin kasi may kakayahan na kong bumili ng bike at mag register sa 3 events. I even mentioned na naiiyak talaga ako kasi wala e.. first timer. Di nag tagal, tahdah! nag register nako.. to all 3 of them!. sempre kinuha ko yun sa savings ko hahah kahit mejo mabigat sabi ko “minsan lang naman to. kikitain ko ulit” . Hanggang sa bumili nako ng 1st bike ko, 50cm sya at mataas sya para sa height ko. Nag practice ako mag bike kasi di ako marunong pag nasa kalsada na kasi takot akong masagasaan haha. nagugulat din ako sa mga busina kaya mejo challenging din.
Aquaman is fast approaching, and nalaman ko na mejo malalim ang pool. 1 week before the event, nag enrol ako sa survival training! ang ending… di parin ako natuto kasi talagang pinangungunahan ako ng takot na malunod hahah.

Ilang araw makalipas, nag join ako sa swim training sa Vermosa mismo. Nakapante ako kasi na test kong mag swim sa pagdadausan ng event. Fast forward, isa nanaman akong Aquaman Finisher!


Eto na.. Duaman na. Di ko alam pano kami makakapunta sa Pampanga ng aking partner, kasi wala kaming kotse e. so nag tanong tanong ako sa mga kaibigan, nag ask ng tips etc and we survived. Event day na, hindi ako super kabado kasi wala ng swim to e ๐Ÿ˜ kaya okay lang. Until eto na sa bike course na, sobrang nahirapan ako to the point na feeling ko sira yung bike ko kasi ayaw gumulong ng mabilis, nahuhuli ako, at umabot pa sa point na sabi ko “ibebenta ko nalang tong bike ko tas bibili ako ng bago.. yung mabilis” ๐Ÿ˜ hahahha ang crazy ko. Ang daming tumatakbo sa isip ko pero nung matapos ko yun, sobrang worth it at isa na nga po akong Duaman Finisher!

Lastly, ang pinaka hihintay kong event. I waited for soooo many years para dito! Sobrang memorable neto for me kasi finally, one of my dreams came true and to become a Triathlon Finisher! Sobrang rewarding and it was really worth the wait talaga. Feeling ko ang lakas lakas ko na hahaha. Hindi ko maimagine na dati nanunuod lang ako sa videos, pero eto ako na yung nasa spot na yun. Sobrang nakakapagod pala talaga. Hindi sya biro. Dumating ako sa point nung nasa bike course ako na gusto ko munang lumiko sa hotel na pinag sstayan namin (kasi along the course sya e) kako napapagod nako hahaha pero pinili ko na ituloy sabi ko sa sarili ko “matatapos din to” and ayun na nga! natapos na.. approaching finish line and nawala lahat ng pagod. Nag cry talaga ako kasi finally, natupad ko na ๐Ÿ™

Salamat sa inyo SBR for making my dreams came true! Until the next Tri Series!!

Sempre Thank You, Lord for making this happen at the right and perfect time. Pareho pa kami ng partner kong si Chandrill na 1st timer and we are so proud! โค

PS: A day before the Triman..(hindi ko pa natitikman ang pagka Triathlon Finisher) pero nag register nako agad para sa April 2024 triathlon event! AHAHAHAHA

THANK YOU!

Best Regards,

Your #Trifecta Finisher
Alkyl

SBR.ph Team

A triathlete making a comeback and a true blue Scorpio. That sums it up quite nicely :)

Leave a Reply

Back to top button